DERALD "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Fernando habang nakaharap sa amin. Saglit kaming nanahimik ni Pranses. Hindi ko alam kung parehas kami ng rason kung bakit hindi agad makasagot, o sadyang trip niya lang talaga na wag magpakawala ng kahit anong salita. Mabilis na dumaan ang mga araw. Ito na ang ika-sampung araw simula noong malagim na sinapit ko sa sarili kong tahanan. Habang nalalagi kami rito sa maliit na bayan ng Maltia, walang araw ang dumaan na hindi kami nagsasanay na tatlo. Itinuro sa akin nina Fernando ang basic at hinasa ang aking katawan sa paggamit ng kapangyarihan ng puting hiyas. Hindi ko inaakala na magiging satisfying pala 'yong pakiramdam na nakikipag-isang katawan sa iyo ang kapangyarihan na taglay mo. Hindi ko pa naman talaga nakokontrol perfectly 'yong l