DERALD Hindi pa rin ako makapaniwala na nakawala na ako sa hawla, 'yon nga lang sa pinaka-pangit pang paraan. Pero ayos na rin iyon, mas mabuti nang kamuhian ako ngayon ng sarili kong lahi tapos pagbalik ko magugulantang sila dahil sa dala kong surpresa. Ewan ko na lang kung hindi talaga sila magpatirapa kapag nalaman nilang ako, higit sa lahat ang pinaburan ng apat na hiyas. Pero ang tanong... Saan ko nga ba kukunin 'yong tatlo? "K-Kamahalan..." Naputol ang aking pagmumuni-muni rito sa ilalim ng puno ng mangga. Hindi ko alam kung anong tawag nila rito pero sa mundo ng mga tao, maihahalintulad siya sa puno ng mangga. "Zephiria?" takang tanong ko noong makita ko ang isang magandang dilag na naka-intertwined ang mga kamay sa harap. "Ku-Kumusta ang iyong pakiramdam?" tanong nito. Tumay