Pasado alas dose na ng gabi, tulog na ang mga hayop sa maliit na bayan ng Maltia noong dumating sa kanilang lupa ang dalawang nilalang na sakay ng kanilang kabayo. Nagtungo sila sa pinaamalaking tahanan sa tabi ng simbahan na pagmamay-ari ng pamilya ni Fernando. Kinatok ito niya nang marahan ang pinto upang gisingin ang pamilya. Hindi na siya nakapagbigay ng sulat na siya'y uuwi dahil sa biglaang pangyayari. Isang minuto ang nakalipas, pinagbuksan siya ng isang magandang dilag na nanlaki ang mga mata noong bumungad sa kanya ang nasa kabila ng pinto. "AMA!" Masaya nitong bulalas. Mahigpit niyang niyakap ang lalaki sa unahan, tila nais ibaon ang sarili sa kanya. "Wala kaming natanggap na liham ni Ina na ikaw ay uuwi ngayon," dugtong pa nito noong kumalas na siya sa yakap. "Paumanhin Ze