Napatigil si Thea sa pagtayo mula sa kama nang maulalingan ang boses ng asawa sa veranda. Galit na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali kausap nito ang ina. Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Tapos na siyang maligo pero nauulalingan niya pa rin ang asawa na may kausap. Mukhang hindi na iyon ang ina nito. Lumabas siya at tinungo ang silid ng anak. Naglalaro ito. Panaka-naka ang tingin nito sa TV na bukas. Ngumiti sa kan'ya ang yaya ng makita siya nito. Sinenyasan niya itong 'wag maingay dahil tumatawa ang anak. Nilapitan niya ito kapagkuwan. Hindi rin siya nakatiis dahil ang ganda ng tawa nito. Pinupog niya ito ng halik sa sobrang gigil. Pinagpapalo siya nito sa mukha dahil hindi ito makapanuod ng maayos. Hanggang sa paglabas ng silid ng anak ay dala-dala niya