Napalingon si Thea sa pinto nang bumukas iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ang asawa. Mukhang kulang ito sa tulog. Parang stress na stress din. Akala mo galing sa labanan. Gulong-gulo din ang buhok nito. "K-kumusta si Miles?" "I don't know if she's okay. Nainis ako. Iniwan ko na sila. Punong-puno na ako! I hate my parents! I hate them! Damn it!" Halata sa mukha ang galit nito. Kailangan nitong kumalma. Hindi siya magaling sa bagay na iyon pero susubukan niya. Marahas itong bumuntong-hininga saka naghubad sa harap niya. Nilapitan niya ito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya. Tumitig ito sa kan'ya. Kita pa rin ang galit sa mga mata nito. Nginitian niya ito ng matamis. Mayamaya ay kumalma ang mga mata nito maging ang katawan na medyo nangiginig na pala sa galit.