Chapter 16

2309 Words

"Ano bang problema mo, Keith? Ayaw ko lang kumontra dahil kilala ka. Baka pag-usapan pa tayo!" Nagpupumiglas na sabi niya nang malapit na sila sa sasakyan nito. "Lower your voice. Lalo tayong pag-uusapan sa ginagawa mo. Sumama ka na lang para walang gulo." Napapitlag siya ng marinig ang pagtunog ng sasakyan nito. Binuksan nito ang pintuan at tinuro nito ang loob. Sinundan lang niya ng tingin ang kamay nito. "Sasakay ka o isasakay kita?" may himig na pagbabanta iyon. "Bakit ako sasakay d'yan? Uuwi na din ako." Akmang ihahakbang niya ang mga paa nang pigilan siya nito. Muntik na siyang mapasigaw nang umangat siya sa ere at pilit nitong ipinasok siya sa sasakyan nito. Mukhang gumawa pa sila ng eksena ni Keith sa parking lot. Sinamaan niya ito ng tingin habang isinusuot nito ang seatbel

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD