Napangiti si Keith nang maramdaman ang paghigpit ng yakap ng asawa sa kan'ya. Tulog na tulog pa rin ito. Marahil napagod sa biyahe nila kaninang madaling-araw. Hinaplos niya ang maamong mukha nito. Hindi niya mapigilang hindi halikan ang nakaawang nitong labi. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na nadala na niya sa wakas ng walang kahirap-hirap ang asawa sa pamamahay niya. Si Thea agad ang naisip niya nang ialok ito sa kan'ya noon ang lupang ito. Dito niya gustong itira ang asawa at magiging anak niya kung sakali. Napakatahimik kasi sa subdivision na ito. Sa pagkakaalam niya, halos nasa alta-sosyodad ang nakatira dito. May mga artista din siyang nababalitaan na nakatira dito. Wala kasing paki-alamanan ang mga tao dito. Nagtataasang pader ang mga nakapaligid sa bahay niya kaya safe