UMUNAT si Sky Jewel nang magising siya isang umaga, kasabay ng paghihikab niya. Medyo inaantok pa siya dahil halos mag-uumaga na nang pagpahingain siya ni Reese. Talagang ang tindi ng stamina nito pagdating sa s*x. Wala yatang kapaguran at parang ihi lang ang naging pahinga niya sa kamay nito kagabi. Kay Reese lang din niya nalaman na kaya pala ng isang lalaki ang magkaroon ng maraming rounds sa isang gabi lang. Simula nang may mangyari sa kanila noon sa entertainment, parang maya't maya na yata silang nag-se-s*x. Kulang na lang ay markahan na nila ang bawat sulok ng mansiyon. Kahit mahapdi pa ang mga mata ay pinilit ni Sky Jewel na bumangon. Ang hirap din kapag nasanay gumising nang maaga. Kahit anong pikit mo ng mga mata at pabiling-biling sa higaan ay mahihirapan ka nang makabalik sa