“BAKIT kayo magkasama ng Reese na iyon?” Agad na napatayo sa kinauupuan nito si Aquilles nang makita ang pagdating ni Sky Jewel pagkatapos siyang ihatid ni Reese sa upuan niya. Pero umalis din naman agad ito at bumalik na sa puwesto. Napapayag niya itong huwag siyang paalisin doon at harangin ang balak niyang pagpasok sa organisasyon pagkatapos niyang sabihin ang tungkol kay Natasha. Magtulungan na lang daw sila. “Alam mo ba na nandito rin sa underworld si Natasha? Iyong batang ikinukuwento ko sa’yo noon na dahilan kung bakit hindi agad kami nakasunod ni Reese sa’yo habang tumatakas?” sa halip ay tanong din dito ni Sky Jewel. Sandalling kumunot ang noo ni Aquilles na para bang may inaalala sa isip. Kapagkuwan ay napatingin ito sa kaniya. “I remember her. Pero paano iyon mangyayari kung