“WALA ka ba talagang balak na pakawalan ako rito?” singhal niya sa pagmumukha ni Reese pagkalipas ng ilang minuto na bihag pa rin ng mga kamay nito ang mga kamay niya. Ini-lock daw pala nito ang maindoor ng ladies’ room. At dahil soundproof iyon kaya malaya silang nakakapag-usap na hindi nagbubulungan. “Wala. Hangga’t hindi mo sinasabi sa’kin kung ano ang ginagawa mo rito sa underworld at kung bakit kasama ka ng Baxter gang,” seryosong deklara nito. “I know na magkasama na kayo ni Aquilles. But you’re not supposed to be here.” Kulang na lang ay singhalan din siya nito. “Bakit ka nga kasi nandito?” “Kung hindi ka natutuwa sa presensiya ng asawa mo, hindi ko na iyon problema,” maanghang niyang sagot sabay tingin dito nang masama. Nakipagtagisan ito ng tingin sa kaniya, “You know that’s no