SAGLIT na natigilan si Sky Jewel sa paghakbang nang namataan niya ang grupo ni Reese na nakaupo sa di-kalayuan. Naka-disguise na naman ito bilang si Boss LuShang. Inaasahan naman niya na magkikita sila roon nang gabing iyon dahil hindi naman inilihim sa kaniya ni Aquilles ang mga naging achievements nito sa Los Poderosos. Isa iyon sa pinaghandaan niya. Hindi lang sa araw na iyon kundi sa loob ng dalawang taon simula nang payagan siya ni Aquilles na ituloy ang mga nasimulan niya. Batid ni Sky Jewel na darating talaga ang ganitong pagkakataon. Hindi lang iyon napaghandaan ng puso niya kaya ganoon na lang kabilis ang t***k niyon nang makita ang asawa. Ang pagkagulat sa mukha ng magandang mukha ni Sky Jewel ay napalitan ng galit nang makita niya si Reese na may kadikit na babae. Kahit medyo