TUWID na nakaupo sa isa sa nakapalibot na upuan sa arena si Reese. Isa iyong malaking pabilog na area kung saan ginaganap twice a week, hindi lang ang grappling kundi iba pang illegal na bentahan ng mga produkto na kailangang isalang sa bidding. Katulad na lang ng mga droga, armas, babae, bata, fighters, slaves, at kung ano-ano pa. Mula roon ay tanaw na tanaw nila ang mga kaganapan. Katatapos lang ng madugong laban mula sa dalawang panig. Tumagal lang iyon ng ilang minuto dahil kaagad na namatay ang kalaban. Ngayon naman ay magsisimula na ang panibago. Mula sa grupo ng Mad Bodies ang isang fighter. Pagkatapos niyon ay may isa pa uli. At saka pa nila mapapanood ang inaabangang laban ng lahat. Both fighters were lightly armoured, wearing an arm and a shoulder guard. Pareho rin na naka-hea