KANINA pawisan si Sky Jewel habang nakikipaglaban kay Aquilles. Medyo pagod na rin ang katawan niya at hinihingal na siya. Ilang oras na rin silang nag-i-sparring na dalawa. Hapon pa lang ay nagsimula na sila hanggang sa inabot na sila ng gabi. Ngunit hindi pa rin siya humihinto kahit ito na mismo ang nagsasabi na kailangan na niyang magpahinga dahil may lakad pa ito mamaya. Hindi siya puwedeng huminto hangga’t hindi niya natutunan ang mga kailangan niyang matutunan. May laban kasi siya na kailangan niyang paghandaan. Bukod doon ay kailangan din niyang talunin si Aquilles sa session na iyon para payagan siya nitong isama sa lakad nito mamaya. “Are you sure na hindi ka pa pagod?” tanong uli sa kaniya ni Aquilles habang sinasangga ang bawat atake niya. Nasa gitna sila ng malawak na bakura