CHAPTER 57—PROPOSAL

1309 Words

“Seryoso ka talaga? Pakakasalan mo agad ako kahit katatapat ko lang sa’yo?” nawiwindang pa rin na tanong uli ni Sky Jewel kay Reese. Kahit ialng ulit na iyong sinagot nito ay parang nabibingi pa rin siya. Seryoso nga na tumango. “Iyon lang naman ay kung gusto mong patunayan sa’kin ang sinasabi mo. Ilang beses mo akong tinanggihan noon at tinakasan pa sa kasala natin. Kulang na nga lang ay isulat mo sa noo ko noon ang pagkadisgusto mo sa’kin. Kaya hindi mo maalis sa’kin ang magduda, Sky,” sabi pa nito at wala pa ring bakas ng pagbibiro ang tinig nito. “At tanging pagpapakasal lang sa’kin ang paraan para maniwala ako.” Napakagat-labi ang dalaga. Napasubo yat siya sa ginawa niya. “P-pero bakit kasal agad?” “Ano pala ang gusto mo? Baby muna?” Halata ang pigil na tawa sa mukha nito. Umingos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD