CHAPTER 56—AMINAN NA BA NG FEELINGS?

3802 Words

“Wow!” Manghang-mangha si Sky Jewel nang makahuli na naman ng malaking isda si Reese. Pangatlong huli na nito iyon simula nang mag-umpisa silang mamingwit. Nag-set up sila ng malaking tent na dala nito sa tabing dagat para may masilungan sila mamaya kapag matirik na ang sikat ng araw. “Ang galing mo na palang mamingwit. Naalala ko dati noong unang beses kang isinama nina Buboy at Asyong sa pamimingwit sa ilog. Naubos lang ang wormbait na dala natin pero kahit maliit na isda wala kang nakuha,” nangingiting sabi pa niya nang maalala ang nakaraan. “Dito na rin ako natuto. Ito kasi ang isa sa mga libangan ko kapag pumupunta ako rito sa isla,” sagot ng binata habang inaalis ang isda sa bingwit. At saka nito iyon inalagay sa maliit na timba. Magkatabi silang nakaupo sa malaking bato. “Ah, gan’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD