NASAPO ni Reese ang kaniyang panga matapos iyong tamaan nang malakas na sipa ni Aquiles. Pero hindi siya pumayag na makadalawa pa ito sa kaniya. Mabilis na sinalag niya ang suntok na pinakawalan nito, gayon din ang kasunod nitong sipa gamit ang kaniyang binti. Tumambling siya at gumulong sa lupa para muling umiwas nang subukan din ni Aquiles na hawakan ang kaniyang mga kamay. Nakita niya ang pagngalit ng mga ngipin nito pagkatapos mabigo na muling puruhan siya. “It’s my turn, asshole,” nakangising sabi ni Reese at saka siya mabilis na humakbang papunta rito at malakas na sinipa ang dibdib nito. Sinundan niya iyon ng maliksing paglipad sa ere ng kaniyang kabilang paa, umikot siya at saka niya pinuntirya naman ang likod ni Aquiles. “At ito pa!” malakas niyang sigaw bago nagpakawala ng m