PUNO na ang twenty-four seaters table sa loob ng conference room nang dumating si Reese, maliban sa kabisera. Kasama niya sina Axel at Felix. Si Spooky naman at iba pa niyang mga tauhan ay naiwan sa labas ng kuwartong iyon upang magbantay. May mga nakakalat din siyang mga tauhan sa labas ng building na iyon na main hideout ng Sirrah family. Ngayon ang araw na nakatakda siyang humarap sa mataas na miyembro para hilingin ang suporta ng mga ito sa balak niyang pagbabalik-loob sa Los Poderosos. May isang paraan pa kasi para mangyari iyon. Sabay na nagtayuan ang mga nakaupo sa lamesang iyon nang makita ang pagdating niya. Lahat ay nakasuot ng itim na tuxedo. Tanging damit lang niya ang may makikitang puti. Maging ang lamesa at mga upuan, pati ang mga disenyo sa paligid ay itim din. Ganoon ang