NATIGILAN si Reese mula sa pagmamasid kay Sky Jewel na mahimbing nang natutulog nang may maramdaman siyang mahihinang kaluskos sa labas ng tent. Kasunod niyon ay ang pag-vibrate ng kaniyang cellphone na nakatago sa secret pocket ng kaniyang bag. Agad niyang kinuha ang cellphone at tiningnan iyon. Mensahe mula kay Axel ang kaniyang natanggap. Boss Isang salita lang naman ang nilalaman ng text message ng kaniyang kanang kamay. Pero naiintindihan na niya kung gaano iyon kahalaga. Mahigpit kasi ang bilin ni Reese sa kaniyang mga tauhan na hindi siya puwedeng i-text o lalong tawagan ng mga ito kapag kasama niya si Sky Jewel at hindi lang naman importante. Pagkabasa sa mensahe ay pinatay din naman niya agad ang kaniyang cellphone. Dali-dali siyang nagsuot ng mga damit at inilagay iyon sa bu