NAPA-BUNTONG hininga ako sa sagot n’ya. “Pero alam kong... hanggang doon lang ‘yon. Walang kapatawaran ang ginawa kong panloloko sa kan’ya.” Niyuko n’ya ulit ang kan’yang ulo. “Wala akong gagawin na ikakasira ng relas’yon n’yo, Junellah. Dahil kaibigan kita,” marahang usal n’ya pa. “Sana mapatawad n’yo ako sa pagsisinungaling ko sa inyo." Matigas akong tumikhim. “It’s okay. Hindi naman big deal sa ‘kin ang hindi mo pagsasabi ng totoo. Ang nais ko ang na sana, huwag mo na’ng hayaan na gamitin ka ng mga magulang mo sa pansarili nilang interes. Tama ang sinabi ni Klark kanina,” mahinahong payo ko. “Hindi ba p’wedeng tumutol ka na lang? Wala akong tiwala sa kuya ko, baka kung ano ang gagawin n’ya sa ‘yo.” Umiling-iling s’ya. “Hindi na p’wede. Ito lang ang tanging paraan kapalit ng inutang