LUMIPAS ang isang buwan, sa mga nagdaaang mga araw ay masasabi ko talagang unti-unti kong tinanggap ang pagkawala ni Historia. Tuwing weekends, binibisita namin s’ya ni Klark at doon na kami pansamantalang tumatambay. Tinuon ko rin ang aking pansin sa pagaaral kaya madalang na kami nagkikita ni Levai. Minsan, binibisita n’ya ako sa bahay o ‘di kaya... inaagahan n’ya ang gising tapos kapag aalis s’ya, dumideretso s’ya sa ‘min para mahatid lang kami ni Klark sa school. Tuwing sabado at linggo lang kami nakapagbonding kasama sina Kuya. Masaya ako dahil okay na talaga sila. Pero bukas... flight na n’ya papuntang Germany kaya ngayon, ito ang pinakahuling pagkakataon na makita ko s’ya. Aaminin kong nagaalala ko dahil baka iyon ang dahilan para masira ulit ang relas’yon namin at long distance k