JUNELLAH “Miss Junellah, pinapatawag po kayo ni Sir Logan sa living room.” Napa-hinto ang hawak kong ballpoint pen na’ng marinig ko ang boses ni Tita Maria. Naka-upo ako ngayon sa gaming chair habang nag-t-take down notes para sa isang subject namin. Hinayaan kong umikot ang inuupuan ko para maharap si Tita. Nakita ko agad s’yang naka-tayo sa labas ng pinto. “Tapos na po bang silang mag-usap?” magalang na tanong ko. Lumipas na kasi ang mahigit isang oras simula nu’ng dumating si Levai. Pinaramdaman pa nga namin ni Klark kung nagtataasan ba sila ng boses pero mukhang tahimik naman. Nag-desis’yon akong umakyat na kami ni Klark sa loob ng k’warto ko. Wala naman kaming ibang gagawin kundi mag-aral. Sa balcony s’ya pumuwesto habang sa study table naman ako. “Mukhang natapos na nga sila, M