“Sissy, wala ka na namang ganang kumain. Ayos ka lang ba?” Napa-angat ang tingin ko na’ng biglang nag-salita si Klark sa aking harapan. Nginitian ko s’ya ng normal. “O-Okay lang ako,” marahang tugon ko sabay kinagatan ang veggie sandwich. Sumapit na naman ang panibagong araw. Naghihintay na si Kuya Logan sa living room. Hindi pa dumating si Levai. Nahihiya naman akong kontakin ulit s’ya dahil nakapagusap na kami kagabi. “Kabado ka pa rin, sissy?” tanong ulit ni Klark. “Nandito naman tayo kapag sakaling mag-sapakan ang mga ‘yon kaya stop worrying na.” Pilit kong nilunok ang kinain ko. “It’s unusual kasi, Klark. Bigla-bigla na lang nag-desis’yon si Kuya na harapin si Levai tapos hindi ko pa alam kung ano ang condition na ipapagawa n’ya. Ngayon pa lang... hindi na ako komportable sa gagawi