“Where did I put that dress? Sigurado akong dito ko lang ‘yon nilagay. How could I miss it,” marahang sambit ni Miss Letti habang isa-isang hinahawi ang sandamakmak na mga kasuotan dito sa loob ng walk in closet n’ya. Naka-sabit ang mga iyon sa golden tube na pumapagitna sa dalawang malaking closet cabinet. Ilang metro ang haba no’n. Ang dami talagang gown na iba-ibang klase tapos dress na rin. Naka-upo ako sa malambot na couch habang naka-harap sa kan’ya. Paggising ko sa umaga, wala na si Levai sa tabi ko. Hindi ko alam kung saan ‘yon nag-punta. Hindi man lang ako ginising. Lumabas na ako sa kwarto pero pababa na rin pala si Miss Hetti galing fourth floor. Sadya n’ya raw talaga ako kaya sumama ako sa kan’ya rito sa loob ng kanilang k’warto ni Mister Levi. May magandang dress raw s’yang