LUMIPAS ang ilang mga linggo, nanatili ang kapayapaan at walang nangyaring kahit anong g-ulo. Okay naman kami ni Levai dahil ako ang nagaasikaso ng mga bagay na hindi n’ya kayang gawin kapag papasok s’ya sa trabaho. Ang aming daily routine, ako ang unang nagigising ng maaga. Nu’ng una, hindi ako sanay dahil ang hirap pala mag-luto araw-araw. Nauubusan ka na ng recipe pero nagiimbento na lang ako. Dapat bago s’ya bababa sa kusina, natapos ko na lahat. Kapag aalis naman s’ya, may baon s’yang lunch box. Pag uwi, may naka-hain na’ng hapunan. Nu’ng bumalik si Klark, may katuwang na ako kaya mas naging madali ang lahat. “Anong oras sila darating dito, sissy?” tanong sa ‘kin ni Klark habang ina-arrange namin ‘tong blue baby’s breath flowers sa isang vase na naka-lapag sa gitna ng mesa. Nandito