PAGKATAPOS n’yang banggitin ang mga salitang ‘yon, napa-tingala ang ulo ko na’ng bigla s’yang tumayo. Tinalikuran pa ako at nag-lakad papunta sa pintuan ng driver seat. Wala na s’yang naiusal na salita na’ng pumasok sa loob at pabagsak na sinarado ang pinto. Sinundan ko na lang ng tingin ang kotse na’ng bumiyahe ‘yon papalayo hanggang mawala na sa aking paningin. Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan akong tumayo at napa-ngiwi na lang dahil ang sakit ng pang-upo ko. Pinagpag ko muna ang dress kong nadumihan na naman. Pinabihis n’ya ako tapos ganito pa ang naging resulta. Pinilit kong mag-lakad ng mabilis dahil malapit lang ang bahay ni Levai rito. Nagpapasalamat ako sa aking isipan dahil kusa n’ya akong pinakawalan. Hindi ko inasahan na ibabalik n’ya ako rito, ang buong akala ko... dadalhin