“K-KUYA! WHAT IN THE WORLD ARE YOU DOING HERE?!” Napa-bangon agad ako at sinabayan na ng pag-tulak sa kan’yang dibdib. Napa-tihaya s’ya sa paanan ng kama ko. “You are reeking of alcohol!” singhal ko pa sabay bumaba sa gilid ng kama na kung saan natutulog banda si Klark. Bumalikwas s’ya sa narinig n’yang ingay at napa-upo na rin sa kan’yang kinahihigaan habang kinukusot-kusot ang kan’yang mga mata. “W-What happened to you, sissy?” namamaos n’yang tanong sa bagong gising na boses. Hinarap ko muna s’ya sabay inangat ang kaliwa kong braso at tinuro si Kuya Logan na naka-bulagta sa kama ko. Na’ng mabalingan n’ya ng tingin ‘yon, nanlaki na rin ang kan’yang mga mata. “’O my gosh?! Bakit nand’yan si Sir Logan sa kama mo, sissy?!” mahinang sigaw n’ya. Hindi ko muna s’ya sinagot at humakbang muna a