AFTER fifteen minutes, doon na dumating si Klark. Hindi n’ya kami naabutan kung ano man ang makikita n’ya. Bumalik kami sa aming mga p’westo habang pinagpatuloy ang pag-lamon. Pero ‘tong si Levai, gumagawa pa rin ng flower crown. Para kay Klark daw ‘yon. “Finished. Come here, Klark,” marahang utos n’ya kay Klark kaya tumayo muna s’ya saglit. Nag-lakad s’ya sa harapan ko sabay lumuhod sa harapan ni Levai. “Salamat, Mister Levai. Napaka-sweet n’yo talaga,” pormal na tugon ni Klark sabay sinabit na ni Levai ang flower crown sa kan’yang ulo. Sumalin s’ya ng p’westo at umupo sa aking harapan. “You look pretty talaga sissy,” sabi n’ya sa ‘kin kaya napa-kamot naman ako sa gilid ng ulo ko. “Absolutely. She look like a fairy to me,” pambobola naman ni Levai habang umiinom ng malamig na lemon tea.