NA’NG maka-labas na ako sa k’warto n’ya, nagmadali akong humakbang papunta sa hagdan para maka-akat sa susunod na palapag dahil nandoon ang guestroom. Sa k’warto ni Klark muna ako matutulog. “Sissy...” Napa-hinto ako sa unang andana nitong hagdan na’ng marinig ko ang mahinang boses ni Klark. Nasilayan kong naka-tayo s’ya sa isang andana na may kaunting distans’ya mula rito sa ibaba. Bakas sa kan’yang mukha ang pagaalala habang naka-titig sa ‘kin. Dahil kilalang-kilala ko na s’ya, alam kong narinig n’ya lahat ng pinagusapan namin ni Levai. Dahan-dahan akong humakbang paakyat na agad n’ya akong sinalubong sa paglalakad. Napa-hinto ako ulit na’ng bigla n’ya akong niyakap ng mahigpit. “It’s okay, Sissy. Kung ano man ang nangyari roon, nandito lang ako lagi para sa ‘yo,” marahang usal n’ya. D