“’Nay, ‘Tay. Iwan muna natin sila rito,” magalang na sambit ni Klark. Pumayag sina Nanay Lens at Tatay Klarito sa sinabi n’ya kaya tumayo na sila sa pagkakaupo sa bamboo sofa. “Pupunta lang kami ng Nanay mo sa taniman natin,” pagpapaalam ni Tatay Klarito na’ng lumabas na sila sa kanilang bahay. “Mag-usap lang kayo riyan, Anak.” Hinarap ko muna sila sabay yumuko at nag pasalamat habang pilit na ngumingiti. Si Klark naman, dumiretso sa kusina. Matigas akong tumikhim at humakbang sa bamboo sofa na karahap ni Kuya Logan sabay umupo. Naka-iwas ang tingin ko sa kan’ya pero pansin kong naka-business suit pa s’ya ngayon. Wala ni isang nag-salita. Binabantayan n’ya lang ang bawat kilos ko. Naka-titig s’ya sa ‘kin ng seryoso pero hindi iyon nananagos kagaya nu’ng nakaraang araw na para n'ya akon