NAPA-ARAY ako sa aking isipan na’ng bahagyang hinila ni Levai ang kabila kong pulsuhan at ganoon din ang ginawa ni Kuya Logan. Napapapikit ako ng mariin dahil parang babaliin nila ang buto ko ro’n. “Hoy! Ano ba! Bitawan n’yo nga ako!” singahal ko sabay isa-isa silang binalingan ng tingin na tagos na tagos ang kanilang matatalim na titig sa isa’t-isa. “Nasasaktan ako!” patili ko pang hiyaw sa seryosong paraan. Narinig kong papalapit si Klark sa kinaroroonan namin. “Bitawan n’yo si Junellah. Magsapakan ulit kayo kung gusto n’yo pero bumitaw na kayo pareho,” pormal na sagot ni Klark sa boses lalake. Huminto s’ya sa harapan ko at hinila ang aking kanang braso para matanggal na ang sobrang higpit nilang kapit sa pulso ko. Parang hindi na makakadaloy ang dugo ko ro’n. Napa-bitaw si Klark bigl