AFTER TWO YEARS... JUNELLAH “Miss Junellah? Naplantsa ko na ang mga academic dress n’yo ni Klark. Nasa walk in closet na, kayo na ang bahalang i-check ‘yon.” Napa-lingon ako kay Tita Maria habang umiinom ng malamig na ice tea rito sa balcony ko. “Maraming salamat po, Tita. Titingnan namin pagkatapos kumain,” magalang kong tugon. Sumangayon kaagad s’ya at umalis sa bungad ng sliding door. Napa-balik ang tingin ko kay Klark habang nagtitigin sa tablet n’ya ng kung anong bagay. Iniregalo ‘yan ni Kuya Logan sa kan’ya nu’ng birthday n’ya. 21 years old na kami ni Klark, parang kailan lang... bukas, gagraduate na kami! Sa wakas, kahit ang dami naming pinagdaanan para maintain ang grade namin, sulit na sulit ang resulta! Lumipas ang dalawang taon, a lot of things had happened within those