HINABLOT ko agad ang kamay kong hawak n’ya at dahan-dahan n’yang itinuwid ang kan’yang tayo. “Can I go now?” seryosong sambit ko sa kan’ya. Hindi na naman s’ya sumagot at humakbang patagilid para mabigyan ako ng daan. S'ya na rin ang bumukas ng pinto. Doon ako napa-hinga ng maluwag at kaagad kong ginalaw ang nangangati kong mga paa para maka-alis na rito. I heard his deep chuckle na parang batang tuwang-tuwa at ang lakas n’ya mangasar ngayong araw! Sabihin na nating wala na rito si Levai pero s’ya naman ‘tong pumalit! Padabog akong bumaba ng hagdan. Na’ng maka-apak na ako sa ground floor, tumakbo na ako para tuluyang maka-labas. “Ang init na,” mariing bulong ko na’ng ma-expose na ako sa sinag ng araw. Natanaw ko agad ang kotse na ginagamit ni Kuya Jeager na naka-park sa ‘di kalayuan. Humi