HINDI agad ako naka-usal ng kahit anong salita sa binanggit n’ya. Napa-tulala ako ng ilang segundo. Bumalik lang ako sa katinuan na’ng binuhay n’ya ang makina ng kotse at nag-maneho palayo sa lugar na ‘yon. “F-f**k YOU, LEVAI! ANG LAKAS NG LOOB MONG TAKUTIN KAMI NI KLARK?! IBABA MO AKO NGAYON DIN!” maawtoridad kong usal sa kalagitnaan ng malalim kong hininga. Parang wala s’yang naririnig kaya hindi na ako nakapag-timpi at agad akong umalis sa kinauupuan para susugurin s’ya sa driver seat. Pero bago ko pa nagawa iyon, bigla akong kinapitan ni Mister Shades sa kanan kong braso at hinila pabalik paupo. “ANO BA! GET THE F-UCK YOUR HANDS OUT OFF ME!” singhal ko na’ng binalingan ko s’ya ng tingin. “Patahimikin mo ‘yan,” mariing utos ni Levai na ikinasiklab pa ng panggigigil ko. Akma ko ulit