PARANG nangmanhid ang buong katawan ko sa kan’yang binanggit. Hindi agad ako naka-hinga habang um-e-echo ang mga salitang ‘yon sa tainga ko. “You must be kidding me, right?” mariing usal ko na halos ibulong ko na lang ‘yon. He stared at me confidently while he is still wearing the demonic smirk. “You know I can’t make a joke. We have talked about it earlier. When you are not around... perfect timing since you broke up with him.” Napa-awang ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala na gagawin ‘to sa ‘kin ng Mama ko! Nahihibang na rin ba s’ya?! “Saan si Mama? Kailangan ko s’yang maka-usap ngayon din. Hindi ako natutuwa sa mga biro mo, hindi nakakatuwa! Where is she?!” singhal ko sa nanggigigil na boses. Pakiramdam ko, sumikip bigla ang dibdib ko na nahirapan akong huminga sa pagkabigla. Ku