JUNELLAH LUMIPAS ang ilang mga linggo, hanggang ngayon wala pa rin kaming balita kay Historia. Nakakailang balik na kami sa restaurant nila tapos napag-alaman naming iba na pala ang owner do’n. Sinubukan naming tanungin kung saan silang lugar dumako pero wala namang ideya kung saan. Pasukan na pala bukas. Parang nag-transfer talaga si Historia sa ibang paaralan. Pero umaasa akong babalik s’ya rito para bisitahin kami. Nasa stationery shop kami ngayon ni Klark dahil may kulang sa mga school supplies na gusto kong bilhin. Hindi na mas’yadong mahigpit si Kuya Logan dahil napapakiusapan mo na s’ya ng matino. Simula nu’ng namalagi ako sa bahay, maganda na talaga ang mood n’ya. Sobrang payapa rin ng mga linggong lumipas at excited na kami ni Klark sa pangatlong yugto sa college life. “Sissy..