Hindi mapakali si Calix mula nang magpakita sa kaniya ang kaniyang mag-ina. Tila ba naging mas kumplikado ang lahat, kung noon ay inaasam-asam na makita ang mga ito. Ngayon ay nalilito na siya, paano kung maulit ang nakaraan sa katauhan ni Michelle? "Malalim yata ang iniisip mo?" tinig buhat sa kung saan. Parang tumigil ang ikot ng mundo niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. "Sorry kung nagambala kita, babalik na lamang—" paalam na sana na ng nagmamay-ari ng tinig ng sumabad siya. "It's okay," turan saka lumingon sa may pintuhan niya. Kitang nakatayo roon si Samantha. Maganda, sopistikada at kakaiba ang awra nito hindi tulad noong nagsasama pa sila. Kita ang kumpiyansa sa tindig at kilos nito. Ngumiti ito ng matamis sa kaniya dahilan upang sumikdo ang kaniyang puso. Sa mga ha