Hindi alam ni Calix kung ano ang pakiramdam sa sandaling iyon. Nasa tabi si Michelle at ramdam niya ang presensiya nito pero inaagaw ni Samantha ang kaniyang buong isipan. 'Calix, ano ito?' tanong sa sarili dahil hindi inaasahan na muli siyang magugulo sa pagbabalik ng asawa. 'She left you sa panahong kailangan mo siya. Iniwan ka dahil sa ibang lalaki!' sinisiksik sa isipan. Ngunit kahit ganoon ang nilalagay sa isipan ay hindi pa rin niya maiwasang hanapin ng mga mata ang asawa at nang masumpungan ito ay may inis na lumukob sa dibdib nang makitang may kausap itong lalaki. Mukhang hindi lang usap dahil kitang nakangiti ang mga ito habang kita sa mata ng lalaki ang paghanga sa kagandahan ng asawa. Ilang sandaling pinakatitigan ang asawa at marami ngang nagbago rito. Sa kilos at kung paano