Chapter 77: First Meeting With His Son

1854 Words

Matagal na naglapat ang mga mata nila ni Michelle. Batid niyang nakilala na rin siya nito at kung sino siya sa buhay ni Calix. "Mom—my?" naguguluhang tinig ng anak ang narinig kaya mabilis na binalingan ang mga ito at nakitang yakap-yakap pa rin siya ni Calix. Buhat sa kinatatayuan ay kita ang mukha ng asawa. Hindi nito naitago ang paglitaw ng mala-kristal na bagay buhat sa mga mata nito. "Mom—my," may takot na tinig ng anak. Marahil ay nagtataka kung sino ang lalaking nakayakap dito ng mahigpit. "Shhh! Sweetheart, nandito lang si Mommy," alo niya sa anak na noon ay nilayo ng bahagya ni Calix at nakatitig sa mukha ng anak. Para silang pinagbitak na bunga ng ama kaya hindi niya maitatanggi na ito ang ama niya. "Mommy?" lingon ng anak sa kaniya na tila naghihintay ng eksplanasyon kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD