Nabigla si Samantha nang magtama ang mga mata nila ng lalaking nasa passenger seat ng paalis na kotse. Napakunot-noo siya dahil tila ang kaniyang asawa ang lalaking iyon. May pag-asang lumukob sa kaniya na baka kahit papaano ay hinanap din siya nito ngunit nang makalayo ang kotse ay naisip na baka guni-guni niya lamang o namamalikmata lamang siya dahil kung ang asawa ang naroroon ay bakit ito aalis nang hindi man lang siya nakakausap. Natitigilan siya nang untagin siya ng kaniyang pinsan. "Oh, bakit ka natigilan diyan? Sabi ko, pumasok ka na dahil hindi makakabuti sa tulad mong buntis ang manatili sa labas. Sige ka, sabi nila ay maraming aswang dito," anito na halatang nagbibiro dahil nakangiti ito. "Ewan ko sa'yo!" inis-inisang tugon sa pinsan saka pumasok ngunit muli pang sinulyapan a