Matapos ibaba ang tawag ng unuupahang detective upang alamin ang kinaroroonan ng asawa ay mabilis na sinabihan ang kaniyang sekretarya na i-book siya ng flight, ngayon din mismo papuntang Davao. Nagtataka man ito pero hindi na ito nagtanong pa at sinunod na lamang ang kaniyang sinabi. Bandang alas dos nang puntahan siya nito at sinabing nakakuha siya ng flight ng alas singko y medya kaya wala na siyang inaksayang sandali at inayos na ang kaniyang mesa upang pumunta sa paliparan. "Hey, I know na-miss mo ang anak mo pero masyado pang maaga para umuwi," ang bungad na turan ni Rachel nang makita siyang nag-aayos sa kaniyang mesa. "Pupunta ako ng Davao," aniya rito. "What?! Ha? Ano namang gagawin mo sa Davao?" bulalas na tanong nito sa kaniya. Ngumiti siya rito. "Naroroon ang mag-ina ko,"