Nang lumapat ang mainit na labi sa kaniyang labi ay tila maging ang isip ay hindi na kayang iproseso pa ang pagtutol sa paghalik ni Calix sa kaniya. Naging mas mapanghanap ang labi nito at medyo marahas ang hagod ng halik nito maging ang mga palad nitong tila nag-aapurang kumapa sa kaniyang katawan. "Uhmmm!" ungol na kumawala sa kaniyang lalamunan. Hindi mapigilan pa ang sariling mapaungol sa ligayang dulot ng kapangahasang ginagawa ni Calix. Hindi mapaglabanan ang kuryenteng gumagapang buhat sa maiinit na labi ng asawa. "Uhmmm!" muling ungol nang maramdaman ang paghaplos nito sa kaniyang binti pataas sa kaniyang balakang. Naka-jeans siya pero damang-dama ang init ng palad nitong humagapang sa kaniyang hita. Mas lalo tuloy nababaliw ang isipan at inaasam na maranasan kung papaano lumigay