Kapwa pagal ang mga katawang nakahiga sa ibabaw ng kama. Walang nais bumasag ng nakakabinging katahimikan matapos ng isang mainit na kaganapan sa pagitan nila. Hindi naman tulog si Samantha pero piniling ipikit ang mga mata dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata ni Calix. Ilang sandali ang lumipas nang maramdaman ang paggalaw sa parteng kinaroroonan nito ngunit batid na hindi ito tumayo. Naramdaman ang paghaplos nito sa kaniyang balikat at ang nakakapaso nitong tingin. Doon ay unti-unting sumungaw ang munting luha mula sa nakapikit na mga mata. Hanggang sa maramdaman ang paglapit nito sa kaniya sabay halik sa kaniyang balikat. "I love you, Sam," buong pagmamahal na sabi ni Calix sa babaeng nakatagilid sa kaniya. Alam niyang gising ito at naririnig siya. Gusto niyang ipagsigawan kung