Hindi matatawaran ang ligayang nadama sa piling ni Calix, labis ang sayang gumapang sa kaniyang kaibuturan. Sa tuwing aangkinin siya nito ay katumbas ay langit. Humupa na ang mainit na sandali. Yakap-yakap siya nito. Walang mais magsalita kundi nakikiramdan lamang sa bawat pintig ng kanilang mga puso. May ilangan pa rin sila sa isa't isa pero kahit papaano ay nagagawa na nilang magyakapan at magpaubaya sa isa't isa. Malayang minamalas ni Calix ang manilis na likod ni Samantha. Nangingiti siya dahil ni sa hinagilap ay hindi niya inisip na darating siya sa puntong mayayakap at maaangkin ito. Ito kasi ay bituin sa kaniyang paningin noon, isang babaeng mahirap abutin gaya ng butuin sa langit. Hindi niya maiwasang haplusin ang kamay nito hanggang sa balikat saka masuyong hinalikan sa batok