Naging maayos ang mga sumunod na araw para sa kanila ni Calix. Namumuhay silang tila magkasintahan at wala nang kasing saya ang nadarama ni Samantha sa mga araw na iyon. Ngunit kung kailan maayos na ang lahat sa kaniya ay saka pa siya babatuhin ng isang katutuhanan. "Yes, hello, girl?!" excited siyang sinagot ang tawag ng kaibigan. Masaya siyang nagluluto dahil nag-promise si Calix na doon ito kakain ng hapunan. Inimbitahan din niya ang magulang nito na samahan sila. Magiging bukas na sila sa mga ito dahil sila naman na talaga. Sinabi kasi ni Calix sa kaniya na hiniwalayan na nito si Geraldine at ramdam naman niya iyon sa kilos ng asawa. Walang mapagsidlan ng saya lalo na at wala nang halong pagpapanggap ang kanilang pagsasama pa ni Calix. "You sound so happy and excited, parang ayaw ko