Ramdam na ramdam ni Calix ang tensyong nananahan kay Samantha. Nagtataka siya kung bakit ito ganoon samantalang maayos naman itong iniwan kanina. Ang sweet pa nga nito at halos ay hindi ito mahiwalay sa kaniya. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero isa lang ang ibig sabihin noon. Marahil ay alam na nito ang ginagawa niyang paglilihim. Sa huling naisip ay dinaluyon ng kaba ang dibdib. Kaya muling binalingan ang asawa at nakitang nakatingin ito sa ina na noon ay puring-puri ang luto nito. "Oh, anak, mukhang hindi ka naman sumusubo sa luto ng asawa mo. Ang sarap, naku! Kapag ganito na maganda at masarap magluto ay hindi na pinapakawalan pa!" saad pa ng ina na nakatingin sa kaniya. Napangiti na lamang siya bilang tugon sa ina at sa gilid ng mga mata ay kitang matiim na nakatingin sa kaniya an