Napahugot siya ng malalim na buntong-hininga sabay tingin ng matiim kay Calix na noon ay bakas sa mukha ang pagkalito. Gusto ng pusong maging makasarili pero inuusig naman siya ng kaniyang konsensiya. "Tell me, hanggang kailan tayo magiging ganito?" nanulas na tanong sa kaniyang bibig. Doon ay nakitang nagtaas ng mukha si Calix at nasa mga mata ang pagtatanong. "Napakawalang puso ko naman kung aagawin kita sa kaniya hindi ba? But I want assurance, kung papayag akong manatili aa ganitong sitwasyon hanggang kailan tayo magiging ganito?" giit na tanong dito. Mas lalong natahimik si Calix dahilan upang lalo rin siyang manlumo. Hudyat kasi iyon na walang katiyakan ang kanilang kakaharaping sitwasyon. Kaya nang hindi na sumagot si Calix ay siya na rin ang sumagot sa mga sinabi niya. "So, hang