MATAPOS umalis ang ama ay halos hindi mapakali si Samantha sa balak na gawin, idagdag pa ang pagdating ng ama at nagpupumilit na sumama sa pagkikita nilang iyon ni George. She is hoping na iyon na huling pagkikita nila ng lalaki dahil ayaw niyang masira sila ni Calix lalong-lalo na ang pamilya nila. Pinilit na ibinaling sa trabaho ang isip at atensiyon ngunit hindi pa rin mapigilang isipin ang tungkol sa napipintong paghaharap nila ni Mr. Manalo at doon ay napasilip siya sa orasan. Nabigla pa siya nang mapansing lagpas alas dose na pala. Parang hindi na rin naramdaman ang gutom dahil kabang nadarama sa sandaling iyon. Akmang tatayo na siya upang tunguhin ang kanilang cafeteria nang bigla ay tumunog ang kanyang cell phone, hindi naka-register sa kanya ang numero kaya napakunot-noo siya. M