Pinilit nina Calix at Samantha na maging masaya sa kabila ng mga nangyari, ngunit sa kabila ng pag-amin ni Samantha sa asawa ang tungkol sa kanyang sekretong relasyon ay hindi pa rin niya magawang tuluyang kalasan si Mr. Manalo. "Ma'am, may bisita po kayo," turan ng kanyang sekretarya nang sumilip ito sa may pinto matapos kumatok. "Wala naman akong meet—" putol na turan nang makita si George na papasok na sa kanyang opisina. "Kailangan ko pa ba ng appointment?" anito na ramdam sa tinig nito ang galit. Napalunok si Samantha sabay tingin sa sekretarya. "It'a okay, you may leave us," saad rito, agad naman itong lumabas. "Okay po, Ma'am, call me if you need something else," magalang na tugon naman nito saka lumabas. "Sa tingin mo ba, makakatakas ka sa akin, Samantha?" gigil na turan ni