Ramdam ni Samantha ang paghihinala sa tingin ng asawa sa kaniya kahit pa nasa malayo na siya. Pagkapasok sa kanilang bahay ay agad na nagtungo sa banyo upang tanggalin ang makapal na make up ngunit hindi niya napansin na sumunod pala sa kaniya ang ina na noon ay matamang pinagmamasdan siya habang naghihilamos. "Saan ka galin?" matiim at seryosong tanong nito. "Ma?!" gulat na lingon sa kinaroroonan nito. "Kilala kita, Samantha, hindi mo gawain ang magpangako sa mga anak mo at hindi tumupad. Kaya sagutin mo ako, saan ka galing?" matiim na turan nito na noon ay papalapit sa kaniya. Grabe ang sundot ng konsensiya sa kaniyang dibdib. "Ma?!" usal niya. Wala mang nangyari sa kanila ni George ngayon pero hindi alam kung sa susunod ay magawa pa itong patulugin kapag dumating sila sa ganoong pu