Pagdating ni Samantha sa hotel kung saan gaganapin ang meetings ng mga magkakaibigan ay agad na sinabi sa receptionist ang kaniyang pakay. Agad naman nitong nagbigay ng instructions sa kaniya, iyon kasi ang isa sa usapan nila ni George. Sabagay, katulad rin niya itong may pangalan na pinu-protektahan at pamilyang dapat pangalagahan. Ayaw niya sana pero nakiusap ito at hindi mapahindian dahil palagi itong nagbabanta na ilalaglag siya. Parang hawak tuloy siya nito sa leeg. Naiinis na pumasok sa elevator at halos mapayuko siya nang makita ang pares na nasa loob ng elevator. Mas lalong nayuko nang makilala ang lalaki, si Gilbert. Ayaw niyang makilala siya nito dahil tiyak na magtataka ito kung ano ang ginagawa roon. Mukhang katulad niya ay nagbagong buhay na ito. Kita ang pag-alalay at pag-i